Pagpapanatili ng seguridad sa rehiyon, bibigyang-diin sa two-day ASEAN Summit ayon kay Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | November 13, 2017 (Monday) | 1818

Sesentro sa pagpapanatili ng seguridad sa rehiyon ang dalawang araw na mga pagpupulong ng ASEAN economic leaders at dialogue partners ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang talumpati sa opening ceremony, pinasalamatan niya ang lahat ng mga bansang nagbigay ng ayuda para maresolba ang suliranin sa Marawi at nagpa-abot ng relief efforts para sa mga naapektuhang residente.

Kaya ayon sa chief executive, inaasahang magiging prayoridad sa two-day ASEAN Summit ang paglaban sa mga banta ng seguridad sa rehiyon tulad ng terorismo, violent extremism, pamimirata at iligal na droga. Ito rin ang naging opening statement ng Pangulo sa ASEAN Summit Plenary Session.

Samantala, isusulong din ng ASEAN ang pangangalaga sa kapakanan at karapatan ng migrant workers. Bukas, isang landmark document ang pipirmahan ng ASEAN para rito.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,