Pagpapaliban sa COVID-19 quarantine protocols pananagutan sa batas – DOH

by Radyo La Verdad | January 4, 2022 (Tuesday) | 746

METRO MANILA – Ipinasilip ng Department of Health (DOH) ang kasalukuyang guidelines nito patungkol sa COVID-19 quarantine at testing protocols para sa mga international traveler.

Ayon sa ahensya, ang pag-iwas ng mga foreign traveller sa mga araw ng quarantine protocols sa ilalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay pananagutan sa batas.

Samantala, Republic Act no.11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act of 2018, ang lalabagin ng hindi susunod sa polisiya.

Binigyang diin ng ahensya na sisiguraduhin nilang pananagutin nang naaayon sa batas ang mahuhuling hindi susunod sa nasabing palatuntunin.

Hinihikayat naman ng ahensya ang publiko na makiisa sa kinauukulan at magsumbong upang maipatupad ng maayos at makaiwas narin sa patuloy na pagkahawa sa COVID-19.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)