Pagpapaliban ng importasyon ng sibuyas, ipinanawagan ng mga magsasaka

by Radyo La Verdad | September 5, 2023 (Tuesday) | 2930

METRO MANILA – Ipinanawagan ng mga magsasaka ng sibuyas sa Department of Agriculture kahapon (September 4), ang pagpapaliban ng importasyon ng sibuyas sa bansa.

Ayon sa kanila, bumaba na sa P70  hanggang P85 ng presyo ng sibuyas sa mga cold storage.

Nalulugi na umano sila dahil sa pagdagsa ng mga imported na sibuyas sa merkado.

Noong nakaraang buwan ay inaprubahan ng Bureau of Plant Industry ang importasyon ng pulang sibuyas.

Pero nauna rito ay nagparating na rin ng mga puting sibuyas nitong mga nagdaang buwan.

Ayon naman sa Department of Agriculture (DA), pag-aaralan nila ang hiling ng mga magsasaka.

Ayaw na anilang maulit ang nangyaring pagsipa ng presyo ng sibuyas sa merkado noong nakaraang taon na umabot pa sa P700 kada kilo.

Tags: ,