Pagpapaliban ng 2022 BSKE, labag sa konstitusyon – Korte Suprema           

by Radyo La Verdad | June 28, 2023 (Wednesday) | 20509

Batay sa ruling o desisyon na sinulat ni Supreme Court Associate Justice Antonio Kho, Jr., nilabag ng Republic Act 11935 o ang batas nagpo-postpone sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang karapatan ng mamamayan na bumoto o pumili ng kanilang mga lider sa ilalim ng ating saligang batas.

Sang-ayon sa Republic Act 11935, naiurong ng October 30, 2023 ang halalan sa halip December 5, 2022 batay sa orihinal schedule. Binigyang diin ng korte, ang malayang karapatan sa pagboto ay nangangailangan ng regular na pagsasagawa ng halalan.

Pinuna rin ng korte ang layunin ng mga panukalang batas na inihain sa kongreso para i-postpone ang eleksyon ay dahil ay ire-allign ang nakalaang pondo ng Commission on Elections (COMELEC) para gamitin sa mga proyekto ng ehekutibo na paglabag din sa saligang batas.

Sa desisyon ng korte, nilinaw nito na tuloy na ang BSKE sa darating na Oktubre 30, 2023.

Dagdag pa ng SC, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang kongreso sa pagpapasa ng batas.

Wala ring kapangyarihan ang COMELEC na magpapaliban ng eleksyon ito ay nasa kongreso lamang.

Nakasaad din sa desisyon ng kataas-taasang hukuman na ang susunod na Barangay at SK Elections ay gagawin sa unang Lunes ng December 2025 at kada tatlong taon pagkatapos.

Samantala, sa huli nagbigay naman ng criteria o mga pamantayan sa pagpapaliban ng halalan. Dapat ito ay may sapat at matibay na batayan na ang layunin ay mapangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan na bumuto. Malaya silang makaboto sa isang maayos, payapang halalan.

Dante Amento, UNTV News

Tags: , ,