Pagpapaliban ng 2022 BSKE, aprubado ng House Committee

by Erika Endraca | August 17, 2022 (Wednesday) | 29085

METRO MANILA – Inaprubahan ng House Committee on Suffrage and electoral reforms ang mosyon na ipagpliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa botong 12-2.

Sa halip na December 5, ng kasalukuyang taon, inaprubahan ng House Committee na gagawin ang halalan sa unang Lunes ng December 2023.

Uupo naman sa pwesto ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay at SK sa January 1, 2024.

Kasama rin sa panukala ang probisyon ng hold-over capacity kung saan mananatili sa pwesto ang mga incumbent Barangay at SK officials hanggang sa maihalal na ang papalit sa kanila.

Sa kabilang dako, ang ACT Teachers at Kabataan Partylist ay nanindigan sa kanilang posisyon na tutol sa pagpapaliban na naman sa halalan dahil labag ito sa karapatan sa pagboto ng taumbayan, anila.

Tags: