Pagpapalawig sa prepaid electricity ng Meralco, aprubado na ng ERC

by Radyo La Verdad | May 27, 2016 (Friday) | 1000

KURYENTEKURYENTE
Lalo pang dadami ang mga taong gustong mag-avail ng pre-paid electricity.

Inaprubahan na ng Energy Regulatory Commission ang application ng Meralco na magkabit pa ng karagdagang isang daang libong prepaid electric meters.

Sa kasalukuyan, ang Maynila, Cainta, Taytay at Cavite pa lamang ang mayroong prepaid electricity.

Binabalak pa ng Meralco na mag expand sa Mandaluyong, Pasig at Makati

Ayon sa Meralco, marami ang nag email sa kanila na humihiling na makabitan ng prepaid meters.

Subalit kailangan muna ang approval ng ERC gayundin ang budget na kakailanganin para dito.

Nakita naman ng ERC na makatutulong ito sa mga consumer.

Ayon sa ERC, may dagdag na singil ito sa mga customer ng Meralco at pumapasok sa metering charges ang bawat kabit ng metro sa mga nais ng prepaid electricity.

Subalit hindi pa ito mararamdaman ng mga consumer sa ngayon.

Ayon sa ERC, mag re-reflect pa ito sa susunod na taon kapag nag-apply muli ng capital expenditure o capex ang Meralco.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: