Pagpapalawig sa ECQ sa NCR plus, depende sa magiging epekto sa healthcare system

by Radyo La Verdad | March 30, 2021 (Tuesday) | 10516

METRO MANILA – Nakababahala na ang intensive care unit utilization rate sa National Capital Region plus bubble kung saan umaabot na ito sa  70-100%.

Ayon kay DPH Usec. Ma. Rosario Vergeire, puno na ang mga ICU beds para sa COVID-19 patients sa naturang mga lugar.

Lumabas din sa pagtaya ng DOST-FASSSTER, lalo pang dadami ang maitatalang kaso sa bansa kung hindi nagpatupad ng mas mahigpit na quarantine measure ang pamahalaan.

Ang FASSSTER ay isang instrumentong ginagamit ng mga eksperto na pangtaya, maging sa pagbabantay at pagtatala ng paglaganp ng COVID-19 sa Pilipinas.

“Projections from FASSTER showing that if we reduce transmission and the reduction of transmission is low, meaning we are not going to impose harder measures or lockdowns 430,000 active cases nationally, we will have that by end of April and that will compare to our 105, 000 active cases ngayon. 350,000 cases in NCR alone by the end of April”, ani Usec. Maria Rosario Vergeire, Spokesperson, DOH.

Ayon pa kay Usec Vergeire, sa loob ng isang linggong ECQ, inaasahang mapipigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19 at variants.

Mapabagal din aniya ang pagtaas ng kaso sa bansa kaya mabawasan  ang mga mao-ospital nating kababayan lalo na sa NCR at bahagyang maka-hinga rin ang health system ng bansa.

“Nakikita po natin na nahihirapan yung sistema natin. We are choking. We are having full capacities in ERs, in ICUs, so gusto ho nating ma-manage jto. Hindi natin sinasara ang ating pinto. This is not casting stones. Basta ang usapan muna ng higher officials natin, tingnan muna natin itong isang linggong ito. Napaka-ciritical ng linggo na ito unang-una because of the holy week  and we know that there are a lot of religious activities being done during this week. Pangalawa marami sa ating kababayan ang gusto nagbabakasyon pagka ganitong panahon”, dagdag ni  Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nguni’t ayon sa DOH, posible rin namang mapalawig pa ang ECQ depende sa magiging epekto nito lalo na sa health system capacity ng bansa.

Bukod sa puno na ang mga ospital lalo na sa NCR dahil sa mga pasyente, marami na rin sa hanay ng healthcare workers ang nahawa ng COVID-19.

Batay sa datos ng DOH nitong March 27, 15, 771 na ang nagkasakit sa kanilang hanay, 82 sa mga ito ang nasawi. Kaya naman kulang narin ang pwersa sa mga ospital.

Bahagi aniya ng augmentation force na ipapadala sa mga ospital ay mula na sa hanay militar upang makatulong sa healthcare workers.

Aiko Miguel | UNTV News

Tags: , , ,