Pagpapalawak ng kaalaman sa family planning, isa sa mga solusyon upang mapababa ang maternal mortality rate sa bansa

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 2539

AIKO_MATERNAL-MORTALITY
Umabot na sa 102.2 milyon ang populasyon sa Pilipinas noong 2015.

Kabilang sa mga ibubunga ng sobrang dami ng tao sa bansa ang kawalan ng makakain, tirahan at kabuhayan.

At sa pagpasok ng bagong administrasyon, isa sa naiisip na solusyon ni pres. Duterte ang pagpapatupad ng three child policy sa bansa.

isa rin sa mga nais gawin ng kasalukuyang pamahalaan ay palakasin ang family planning sa bansa lalo na sa mga depressed area.

May mga benepisyo rin sa kalusugan ng isang babae kung lilimitahan ang bilang ng kanyang anak.

Ayon sa isang ob gynecologist,mas mababa ang panganib sa kalusugan ng isang babae kapag hinidi ito madalas magbuntis.

Batay sa Millenium Developmental Goals for Maternal Health ng Pilipinas, hindi naabot ang target na mapababa sa 52 deaths per 100,000 live births para sa taong 2015 ang maternal mortality rate ng mga Pilipina.
Mababa na ito kompara sa ratio na 209 deaths per 100,000 live births noong taong 1990 at 221 deaths per 100,000 live births naman sa taong 2011.

May mga proyekto pang nakalaan ang kagawaran upang mapaigting ang kampanya sa family planning gaya ng paglalagay ng mga community based program para sa mga ina na nasa malalayong lugar sa bansa.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,