Pagpapalakas sa puwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas laban sa mga terorista, tila napapabayaan na ayon kay dating Pangulong Fidel V. Ramos

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 3998

GRACE_RAMOS
Nababahala na si dating Pangulo Fidel V. Ramos na tila napapabayaan na ang pagpapalakas sa pwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ayon kay Ramos dapat ay mas binibigyang prayoridad ngayon ang training upang mapalakas ang kakayahan ng navy, marines, army at airforce laban sa mga terorista.

Aniya nakafocus nang masyado ang pamahalaan sa pagbili ng mga matatas na klaseng fighter jet gaya ng FA-50 at sonic fighter plane na hindi naman umano akma sa mga teroristang kalaban ng mga sundalo.

Ayon sa dating pangulo sa kanyang termino ay nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at France na sa tuwing bibili ang bansa ng fighter jet itinuturo din nila ang paggawa ng mga piyesa nito.

Ayaw namang magbigay pa ng pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato sa sinabi ng dating pangulo.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,