Anim na panukalang batas ang nakahain ngayon sa Senado na layong amiyendahan ang charter ng Office of the Solicitor General. Nakapaloob sa mga panukala ang pagdaragdag ng mga dibisyon na hahawak sa mga nakabinbing kaso upang mas mapabilis ang pagresolba sa mga ito.
Pangunahing mandato ng OSG na irepresenta ang pamahalaan at mga opisyal nito, mga ahensya , government owned or controlled corporations sa Korte Suprema at Court of Appeals sa lahat ng criminal proceedings.
Ang SolGen din sa utos ng Pangulo ang kakatawan sa Pilipinas sa mga negosyasyon o pulong na hinihingi ang legal position ng bansa.
Para sa ilang senador, may ilang probisyon rin sa kasalukuyang mandato ng OSG ang dapat suriing mabuti dahil sa posibilidad na magkaroon ng conflict of interest.
Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 700,000 ang nakabinbing kaso sa OSG na hinahawakan ng nasa 268 na abogado ng ahensya.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: OSG, panukalang batas, SolGen Calida