Pagpapalakas sa kampanya ng mga barangay kontra droga at krimen, susuportahan ng liga ng mga barangay

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 1654

JOYCE_BARANGAY-EMPOWERMENT
Sa welcoming program ng Department of the Interior and Local Government, sinabi ng bagong DILG Secretary Ismael Sueno na prayoridad niyang palakasin ang mga barangay sa pamamagitan ng grupo na tututok sa pagsugpo sa krimen at iligal na aktibidad sa bawat barangay sa buong bansa.

Gayunpaman, sinabi ni Sueno hindi bibigyan ng armas ang mga opisyal ng barangay.

Sa ngayon ay aayusin pa ng DILG ang guidelines upang masigurong hindi ito labag sa batas at hindi magiging daan sa pag-abuso sa kapangyarihan ng mga opisyal ng barangay.

Suportado naman ng liga ng mga barangay ang planong ito ni Sec. Sueno.

Ngunit nakikusap rin sila na bigyan sana ng pamahalaan ng proteksyon ang mga nasa hanay ng barangay na madalas na biktima ng paghihiganti ng mga nahuli nilang kriminal.

Maliban sa citizens participation, nais din ni Sec.Sueno na bigyan ng kapasidad ang lokal na pamahalaan upang magsagawa ng maliliit na proyekto sa ilalim ng Public Private Partnerships o PPP.

Aniya malaki ang maitutulong nito dahil mismong ang kuminidad ang nakakaalam sa mga pangangailangan ng kanilang lugar.

Anim na taon na nanungkulan si sueno bilang mayor ng Koronadal, South Cotabao noong Martial Law, at naging governor din ng probinsya sa termino ni dating Pres. Corazon Aquino hanggang 1992.

Itinalaga siya bilang DILG Sec dahil sa kanyang adbokasiya kontra droga, korapsyon at kriminalidad sa South Cotabato.

Si sueno ang ikaapat na DILG Sec na nagmula sa Mindanao.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,