Kampanya laban sa mga lumalabag sa occupational safety standards, paiigtingin

by Radyo La Verdad | May 14, 2015 (Thursday) | 2463

NEL_SONNY_COLOMA_051515

Ikinalungkot ng Malakanyang ang nangyaring sunog sa isang pagawaan ng tsenelas sa Valenzuela City na ikinasawi ng maraming manggagawa nito.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Junior dahil sa insidente mas naging determinado ang pamahalaan na palakasin pa ang pagsasagawa ng mga inspeksyon sa mga pabrika upang matiyak na sumusunod ang mga ito mga sa occupational safety at heath standards

Dagdag ng kalihim, ito ay batay na rin sa direktiba ni Pangulong Aquino na palakasin ang kampanya laban sa mga kumpanyang hindi sumusunod sa labor law standards, kabilang na rito ang pagha-hire ng mga karagdagang labor inspector.

Tags: