Pagpapalakas sa defense and security at trade and investment, pinagkasunduan ng Pilipinas at South Korea

by Radyo La Verdad | June 5, 2018 (Tuesday) | 5559

Limang kasunduan ang nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Republic of Korea President Moon Jae-in sa katatapos lang na bilateral meeting na ginanap sa Cheong Wa Dae o Blue House.

Kabilang sa mga nilagdaang ay ang kasunduan para sa pagtutulungan ng Department of Science and Technology (DOST) at Ministry of Science, Department of Trade and Industry (DTI) at Ministry of Trade and Insudy.

Kasunduan para pagpapalawig ng renewable energy sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at ng Ministry of Trade, Industry and Energy of Republic of Korea.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa na magtutulungan ang mga ito sa larangan ng transportation and infrastructure at ang loan agreement sa Pilipinas at Korea sa Cebu International Container port project sa pagitan ng gobyerno ng Republika ng Pilipinas at ang Export-Import Bank of Korea.

Sa pag-uusap ng dalawang lider, pinangako ni Pangulong Duterte na poprotektahan ang mahigit 90,000 na mga korean nationals na ngayon ay naninirahan sa Pilipinas.

Kapalit nito ay ang pagtiyak rin ng pamahalaan ng Korea na pahahalahagan ang karapatan ng nasa mahigit 60,000 na Pilipino na nasa kanilag bansa.

Ayon kay Moon, umaasa siyang sa pamamagitan nito ay lalo pang lalalim ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Republic of Korea.

Hinikayat din ng pangulo na buksan din ng South Korea ang kanilang bansa sa iba pang agricultural products gaya ng okra at avocado, bilang bahagi ng pagpapalawig ng trade relation ng dalawang bansa.

Sa ngayon, 70% ng mga saging sa Korea ay iniimport mula sa Pilipinas habang 88% naman sa pinya.

Ang South Korea ang pang lima sa mga bansang may pinakamalaking trade partner ng Pilipinas na umabot na sa 10.6 bilyong dolyar.

Nagbigay pagkilala rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sudalo ng South Korean government na nasawi sa giyera maging sa mga lider ng bansa na nakalibing sa Seoul National Cemetery.

Pagkatapos ng bilateral meeting ay nag-host ng dinner si President Moon kasama si Pangulong Duterte.

Bukas ay nakatakdang dumalo si Pangulong Duterte sa business forum kung saan siya ay inimbitahan bilang key speaker, dito ay nakatakdang hikayatin ng pangulo ang Korean investor na mamuhunan sa Pilipinas.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,