Pagpapalakas ng seguridad sa mga party concert, isusulong sa 17th congress

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 1227

HEARING
Magsusumite ang tatlong komite ng kamara ng committee report para i-adopt ng 17th Congress ang pagbuo ng isang batas na magpapalakas sa seguridad sa mga party concert lalo na pagbabantay sa drugs.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng limang party goers sa Close Up party sa Pasay City noong gabi ng May 21.

Sa imbestigasyong isinagawa kahapon ng House Committee on Youth and Sports, Committee on Metro Manila Development at Committee on Dangerous Drugs sa insidente, nanindigan ang mga organizer ng summer party na hindi sila nagpabaya sa seguridad sa event.

Pinag-aaralan ng mga kongresista kung maaring sampahan ng kaso ang mga organizer kaugnay ng pangyayari.

(UNTV RADIO)

Tags: