Pagpapalakas ng resistensya, mabisang paraan vs sakit sa tag-ulan

by Radyo La Verdad | May 23, 2022 (Monday) | 2087

METRO MANILA – Ilang araw na rin bumubuhos ang ulan na nagiging sanhi ng pagbaha sa ilang lugar sa bansa. At kadalasan ding nagkakaroon ng stagnant water o mga naiimbak na tubig na pinamumugran ng mga lamok.

Sa ganiton panahon nauuso rin ang sakit na dengue. Ang dengue virus ay dala ng mga lamok na Aedes Aegypti.

Isa pa sa mga sakit na karaniwan kapag tag- ulan ay ang leptospirosis. Nakukuha ito sa tubig baha na may ihi o dumi ng mga hayop.

Nakamamatay ang leptospiros kapag hindi naagapan. Gaya ng COVID-19 may sintomas din itong lagnat, pananakit ng katawan, ubo at sipon.

Kaya kailangan agad magpakonsulta sa doktor upang malaman kung ikaw ay may COVID-19 o trangkaso lamang.

Payo ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, palakasin ang resistensya laban sa anomang sakit lalo na ngayong may pandemya.

Uminom ng vitamins, kumain ng wasto at masustansyang pagkain, mag-ehersisyo, huwag uminom ng alak at manigarilyo.

Paalala rin ng DOH, dapat tiyak tayo kung ano ang sakit ng isang indibidwal na may sintomas.

Babala ng DOH kaagad magpatingin sa doktor kapag nagka- lagnat, sumakit ang kasu – kasuan, sumakit ang tiyan at iba pang sintomas.

Hindi ipinapayo ng DOH ang pag- inom ng anomang antibiotics dahil maaaring makasama pa ito sa kalagayan ng isang indibidwal.

Higit sa lahat huwag kalimutang manalangin sa Dios na mailayo sa sakit at maingatan ang bawa’t isa lalo na ngayong may pandemya at umiiral ang mga mas nakahahawang Omicon variant at sub-variants.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: