Dumating sa bansa ang delegasyon ng chief executive ng State of Hawaii na si Governor David Ige.
Bahagi ito ng pitong araw na goodwill at trade mission ng delegasyon ng Hawaii sa Pilipinas.
Layon ng pagbisita ng state governor na mapalakas pa ang ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa kalakalan at trabaho.
Kung saan nais ni Governor Ige na buksan ang Hawaii sa mga Pilipinong medical technologists na nais magtrabaho dito.
Ayon pa sa state governor, sa ngayon ay wala pa silang ginagawang paghihigpit sa immigration policy.
Makikipagpulong rin ang delegasyon ng governor sa mga opisyal ng Malakanyang at local government units, ito ang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas ng Hawaii governor sa nakalipas na mahigit isang dekada.
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs, umaabot sa 369 thousand o 26 percent ng populasyon sa Hawaii ay mga Pilipino kung saan ang Pilipino ang pinakamalaking ethnic group sa estado.
( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )
Tags: goodwill at trade mission, Governor Ige, PH-Hawaii Cooperation