Pagpapalabas ng private video ni Sen. De Lima at Ronnie Dayan, pagbobotohan ng House Committee on Justice

by Radyo La Verdad | September 29, 2016 (Thursday) | 1559

nel_private-video
Tutol ang ilang kongresista na ipakita sa susunod pagdinig kaugnay ng kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison ang umano’y private video nina Dating Department of Justice at ngayon ay Senator Leila de Lima at dati nitong driver na si Ronnie Dayan.

Ayon pa sa grupong Gabriela, labag ito Republic Act number 9995 o ang anti-voyeurism law.

Ngunit naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na wala namang lalabaging batas kung sakaling ilalabas ang naturang video sa pagdinig.

Sinabi naman ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali, kailangang pagbotohan ng komite kung nararapat ipalabas ang naturang video.

Si Dayan ay kabilang sa limang personalidad na papadalhan ng subpoena upang humarap sa susunod na pagdinig sa darating ng linggo.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,