METRO MANILA – Tinitingnan ngayon ng Department of Industry (DTI) ang pagpapaikli ng pananatili ng isang traveler sa quarantine facility. Ayon sa ahensya makatutulong ito upang muling maibangon ang demand ng aviation industry at travel sector.
“I think right now, under our study, is to lessen the number of quarantine days for a person that will be put under quarantine, especially for the vaccinated people,” ani DTI Secretary Ramon Lopez.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, Dadalhin ang panukalang ito sa pagpupulong na gaganapin ngayong lingo o sa susunod na lingo kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang makunsidera ang proposal.
“The way we can help the sector, in general the travel sector, is to have some kind of reopening, easing the travel restriction as many people get vaccinated,” ani DTI Secretary Ramon Lopez.
(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)
Tags: DTI, Quarantine