Ipinag-utos na ng Malakanyang sa Philippine National Police o PNP ang pagpapaigting ng seguridad sa iba’t ibang lugar sa bansa partikular na sa mga matataong lugar.
Kasunod ito ng nangyaring bomb scare sa Maynila dahil sa natagpuang improvised explosive device malapit sa US Embassy.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, PNP ang pangunahing ahensyang mangangalaga sa seguridad ng publiko.
Inaatasan din ang mga transport agencies na dagdagan ang visibility ng mga security personnel sa mga transport terminal tulad ng airport, seaport, bus terminal at iba pa.
Tiniyak naman ng Malakanyang na walang dapat ikabahala ang publiko.
Tags: ipinag-utos ng Malakanyang, Pagpapaigting ng seguridad sa mga pampublikong lugar