Nilinaw ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na dapat na maipabatid sa mga dayuhang concert organizer at performer na magtutungo sa Pilipinas ang kahalagahan ng pag-respeto sa watawat bilang simbolo ng bansa.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos ang pagkalat sa social media ng mga larawan ng Queen of Pop na si Madonna na ginamit ang watawat ng Pilipinas bilang bahagi ng kanyang costume sa pagtatanghal nito sa bansa noong nakaraang linggo bilang bahagi ng rebel heart tour nito.
Umani ng mga iba’t ibang komento mula sa mga netizen ang ginawa ng Queen of Pop.
Pinabulaanan naman ni Sec. Coloma ang mga ulat na planong ipa-ban sa bansa si Madonna dahil sa pangyayari.
(UNTV RADIO)
Tags: flag law, Madonna, Queen of Pop