Pagpapahaba ng voting hours sa BSKE, hiniling ng Comelec pinag-aaralan sa Congress

by Radyo La Verdad | October 31, 2023 (Tuesday) | 11014

METRO MANILA – Nanawagan ang Commission on Election (Comelec) sa Kongreso na pahabaan ang voting hours sa susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Nais ng Comelec na mula 7am to 3pm ay isagad na ang botohan hanggang 5pm.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, mas marami ang bumoboto sa BSKE kumpara sa national at local elections dahil bukod sa mga regular voters ay may dagdag na mga botante para sa SK.

Dagdag pa diyan ang mga presinto na hindi agad makapagbukas ng botohan dahil sa mga aberya at tensyon sa lugar ng botohan.


Tags: