Pagpapaganda sa imahe ng PNP, tutukan ng bagong PCRG Director

by Radyo La Verdad | September 1, 2017 (Friday) | 3542

Noong Marso nakakuha ng plus 66 o very good rating ang anti-drug war ng Philippine National Police sa SWS survey, ngunit mababa ito ng 11 points mula sa dating plus 77 excellent rating ng PNP noong December 2016.

Posibleng sa kasunod na quarter ay mas bumaba pa ito dahil malaking dagok umano sa kanilang imahe ang pagkakapatay sa menor de edad na si Kian Loyd Delos Santos sa isang anti-drug operation.

Kaya naman tututukan ng bagong Police Community Relations Group na si PSSUPT Rhodel Sermonia ang pagpapaganda sa imahe ng PNP.

Ayon kay Sermonia, kakailanganin nila ang tulong mula sa ibang organisasyon upang mapanumbalik ang tiwala ng ibang tao sa kampanya ng pamahalaan kontra droga.

Ang PCRG ang pangunahing ahensya na gumagawa ng mga hakbang upang magkaroon ng maayos na ugnayan ang PNP sa publiko. Kagaya ng programa ng PNP na Pulis at Ur Serbis sa UNTV tuwing Sabado alas siete haggang alas otso ng gabi at mapapakinggan sa Radio La Verdad 1350 tuwing Huwebes alas tres hanggang alas kwatro ng hapon.

 

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,