Pagpapadala ng hanggang 6,000 sundalo sa Sulu para labanan ang terorismo, tuloy na – Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | December 10, 2018 (Monday) | 13980

Tuloy ang pagpapadala ng isang dibisyon ng Philippine Army sa Jolo Sulu.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay upang tapusin na ang suliranin sa terorismo at rebelyon na kumikitil sa buhay ng maraming sundalo.

Matatandaang kamakailan lamang ay ilang sundalo ang nasawi at nasugatan dahil sa engkwentro sa teroristang grupong Abu Sayyaf.

Tinatayang mayroong apat hanggang anim na libong sundalo ang bumubuo sa isang dibisyon ng Philippine Army.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, pwede pang madagdagan ang bilang na ito. Ang mahalaga aniya, manatiling permanente ang pwersa ng militar sa Jolo upang matigil na ang mga karahasan sa lugar.

Target itong matapos ng pamahalaan sa loob ng dalawang taon.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,