Pagpapabalik sa parusang bitay, isinusulong ni Senador Recto dahil sa droga at pagkakasangkot ng mga opisyal ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | January 22, 2016 (Friday) | 1361

meryll_recto
Nagbukas ng posibilidad si Senator Ralph Recto na muling ibalik ang parusang bitay dahil sa pagkakadawit ng mga unipormadong opisyal ng AFP at PNP sa malakihang drug trafficking.

Ayon sa senador, bagamat siya ay tutol sa parusang ito, hindi rin naman aniya dapat palampasin ang ang pagkakadawit ng mga opisyal na dapat sana ay sumusugpo sa mga nagbibenta at gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ng Recto, na kung ibig talaga ng pamahalaan na masupil ang mga krimen, dapat lang na bigyan ng mabigat na parusa ang mga manufacturer ng droga sa halip aniya na nasa kulungan nga ang mga ito ngunit nagpapasasa naman sa loob ng preso.

Ang pahayag ng senador ay kaugnay sa pagkakadakip kay Philippine Marines Lt.Coronel Marcelino kasama ang chinese national sa isang buy bust operation sa Sta.Cruz.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,