Pagpapababa sa kaso ng teenage pregnancy, prayoridad ng POPCOM

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 2776

TEEN-PRENANCY
Batay sa datos, siyam na milyong kabataang Pilipina ang nanganganak taon-taon.

At sa bawa’t dalawang minuto may anim na raang kabataang Pilipina ang nananganak araw-araw.

Sa ulat ng health groups ang Pilipinas natatanging bansa sa asya na may mataas na bilang ng teenage pregnancy.

Ayon sa National Economic Development Authority, malaking porsyento ng unplanned pregnancies ay galing sa mahirap na pamilya dahil kulang sa impormasyon kaugnay ng sexuality education.

Target ng Population Commission na na mapigilan ang pagtaas ng bilang ng unplanned pregnacies sa mga kabataan, at magbigay ng edukasyon sa mga kabataang nabubuntis lalo na ang mga kabilang sa urban poor.

(Aiko Miguel/UNTV Radio)

Tags: