Pagpapababa sa child violence cases sa bansa, tututukan ng Council for the Welfare of Children at UNICEF

by Radyo La Verdad | May 10, 2018 (Thursday) | 1507

78- porsiyento ng mga kabataang edad 13-18 sa buong Pilipinas ang nakararanas ng iba’t-ibang uri ng karahasan gaya ng  sexual, emotional, cyber, psychological, physical violence at  bullying.

Karamihan umano sa mga ito ay nagsisimula at nangyayari sa bahay ayon sa Council for the Welfare of Children (CWC).

Sa 2006 report ng United Nations on Violence Against Children nasa 1-bilyong mga bata na ang nakaranas ng mga ito.

Para hindi na lumobo ang bilang ng mga ito, inilungsad ng CWC at UNICEF ang Philipine Plan of Action to End Violence Against Children o PPA-EVAC.

Dito imomontor ng grupo ang lahat ng mga nangyayaring pang-aabuso sa mga kabataan at agad na gagawan ng aksyon.

Titiyakin rin nilang naipatutupad ang mga batas para sa proteksyon ng mga kabataan at mapaparusahan ang sinomang gagawa ng karahasan sa mga ito. Ituturo rin nila sa mga komunidad ang tamang pagdidisiplina sa mga bata.

Ang mga action plan ng PPA-ECAV ay nakatakdang maisakatuparan hanggang 2022.

Suportado naman sa Kamara ang mga pondong kakailanganin ng mga ito para sa kanilang mga ipatutupad na polisiya.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,