Pagpapababa ng personal income tax, patuloy na isusulong sa Senado

by Radyo La Verdad | September 15, 2015 (Tuesday) | 2501

TAX
Umaasa pa rin si Senador Sonny Angara, Chairman ng Committee on Ways and Means na susuportahan ng iba pang mambabatas ang panukalang batas upang na nagpapababa sa binabayarang income tax ng isang indibidwal.

Ayon kay Angara, umaasa siya nalulusot ang bill sa kongreso at makukumbinsi ang administrasyong Aquino na gawin itong prayoridad.

Dagdag pa ng Senador ang pagpapababa sa binabayarang income tax ng isang manggagawa ay magsisilbing umento sa sahod ng mga empleyado upang gumaan ang kanilang pamumuhay.

Pangalawa ang Pilipinas sa Asean Region na may pinakamataas na sinisingil na buwis.

32% ang Pilipinas samantalang 35% ang Thailand at Vietnam. (Bryan de Paz / UNTV News)

Tags: