Halos dalawang milyon ang mga kabataang hindi nakapag-aral noong 2014.
Ngunit ayon sa DepEd, sa 1.9 million ito , nasa apat na daang libo nang mga out of school youth ang natulungan ng kagawaran katuwang ang DOST, DOLE, TESDA, DSWD, at iba pang ahensya sa pamamagitan ng Abot Alam Program
Ipinahayag naman ng Philippine Institute of Development, bumaba ang bilang ng mga out of school youth na may edad 5 hanggang 15 years old noong 2013 sa 4.4 percent mula sa 8.4 percent noong 2008.
Dahilan umano ng pagbaba ay ang Conditional Cash Transfer Program at iba pang programang pang –edukasyon ng pamahalaan kasama na rito ang Abot Alam Program.
Kaya naman upang mas mabababa ito, nangako ang Department of Education o DepEd na patuloy nitong tututukan ang mga hakbangin na magbibigay ng edukasyon sa mga out of school youth sa bansa.