Kung si Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang tatanungin, hindi angkop na pinangalanan ng China ang ilang underwater features sa Philippine Rise.
Wrong-timing umano ito lalo na at mayroon pang hindi pagkakaunawaan ang ilang bansa sa Asya sa usapin ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Nanindigan ang kalihim na hindi gagamitin ng bansa ang ibinigay na pangalan ng China sa underwater features.
Ngunit aminado naman ang kalihim na gaya ng iba pang uri ng exploration, may karapatan umanong pangalanan ng kahit sinong bansa ang mga nadiskubre nito.
Samantala, isang pormal na komunikasyon sa bansang China ang nararapat na aksyon na gawin ng Philippine Government tungkol sa mga scientific exploration ayon kay eUP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea expert Prof. Jay Batongbacal.
Ngunit dapat ay ginawa aniya ito bago pa man nadiskubre ang pagpangalan China sa ating mga likas na yaman
May mga siyentipikong batayan ang International Hydrographic Organization (IHO)sa pag-apruba ng pangalan ng isang underwater sea feature.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )
Tags: China, Phl Rise, Sec. Cayetano