Pagpanaw ni Ambassador Roy Señeres, malaking kawalan sa mga OFW at pamilya nito ayon sa mga senador

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 1574

BRYAN_ESCUDERO
Sa ipinaabot na mensahe ng pakikiramay ni Senator Chiz Escudero, aminado ito na ang biglaang pagpanaw ni Ambassador Roy Señeres ay malaking kawalan sa sektor ng mga Overseas Filipino Workers at sa kanilang pamilya.

“I am deeply saddened and shocked by the sudden demise of Ambassador Roy Seneres. He is a big loss to the OFWs and their families, whose causes and concerns he had fought for.” Ayon kay Senador Escudero.

Sinabi naman ni Senator Grace Poe at Senator Bongbong Marcos na ang mga nagawang serbisyo publiko ni Señeres para sa mga OFW ay hindi matatawaran at hindi kailanman malilimutan.

Si Señeres ay animnaput walong taong gulang at isa sa mga tumatakbo sa pagkapangulo sa ilalim ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka,ngunit nag withdraw sa pagtakbo noong Biyernes dahil sa dinadala nitong karamdaman.

Naitalaga siyang ambassador sa United Arab Emirates noong 1994 kung saan isa ito sa lumaban na hindi mabitay ang OFW na si Sarah Balabagan.

Isa sa mga isinusulong ni Señeres ay ang pagtigil sa kontraktwalisasyon sa trabaho.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,