Matapos ganap na mapailalim sa kontrol ng PNP-HPG ang mga MMDA traffic constable, plano ng hpg na palawigin ang pagmamando ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay PNP-HPG Director Arnold Gunnacao, natukoy nila na ang isang paraan upang mapabilis ang mabagal na trapiko sa edsa ay mapaluwag ang mga exit point inihalintulad ni Gunnacao ang edsa sa isang tubo ng tubig na bagamat makitid ay kayang mapabilis ang daloy kung maki-clear ang daluyan nito.
Bukod sa anim na choke point na unang itinalaga sa hpg, nais mapalawig ng hpg ang kanilang nasasakupan upang maisakatuparang ang kanilang traffic plan inumpisahan na rin ng hpg na magtanggal ng ilang mga u-turn slot sa Edsa at maging paglilipat ng mga bus stop papalayo sa mga congested na area.
Tags: Metro Manila, PNP-HPG