Pagluluwag ng Restrictions at Vax Program, magpapalakas sa Economic Recovery – BSP

by Erika Endraca | October 8, 2021 (Friday) | 6683

METRO MANILA – Inaasahan ang paglakas ng economic recovery ng bansa dahil sa pagluluwag ng mga quarantine restrictions at pagtibay ng implementasyon ng vaccination program ngayong taon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“We think that these will be key factors in sustaining the recovery that we have observed starting late last year up to the second quarter of this year,” ani BSP Department of Economic Research (DER) Managing Director Zeno Ronald Abenoja.

Ayon din kay Abenoja, ang accommodative monetary policy ay nakadagdag sa economic recovery ng bansa kasama ang mahigit P2 Trillion halaga ng liquidity ng BSP mula noong nakaraang taon sa pamamagitan ng ilang measures katulad ng pagbawas sa policy rates at Bank’s Reserve Requirement Ratio (RRR), at ang temporary cash advances sa national government.

Tumaas din ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas na umabot sa 11.8% ngayong second quarter ng taon na tumatapos sa 5 quarter ng negatibong epekto ng pandemic.

Pangako ng gobyerno na magpapatuloy ang pagluwag ng galaw ng restriction at gagawing bukas ang ekonomiya upang payagan ang mas maraming tao na makapagtrabaho at mapalakas ang economic activities.

(Julie Gernale | La Verdad Correspondent)

Tags: ,