Pagluluwag ng COVID-19 Restriction para sa mga Fully Vaccinated, inirekomenda ng MMC sa IATF

by Erika Endraca | September 10, 2021 (Friday) | 1983

METRO MANILA – Inirekomenda ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na paluwagin ang COVID-19 restriction sa mga indibidwal na fully vaccinated na sa National Capital Region (NCR).

Makakatulong umano ito sa kampanya ng gobyerno na magpabakuna na at upang unti-unti ng mapalakas ang ekonomiya at industriya na labis na naapektuhan ng pandemya.

Nitong September 8 nasa 56% o 5,492,344 ang kabuuang bilang ng fully vaccinated at 84.21% o 8,262,558 na indibidwal naman ang nakatanggap ng first dose ng sa NCR.

” Sa sususnod na buwan inaasahan natin na aabot sa 77.57% o 7,601,685 ang kabuuang bilang ng mababakunahan. Kung mas maraming tao ang makaka kumpleto ng kanilang bakuna, mas mabilis nating makakamtan ang proteksyon. Ang AstraZeneca ay may interval na 12 weeks sa pagitan ng 1st at 2nd dose kaya inaasahan namin na aabot sa 87% ang makakatanggap ng bakuna sa NCR sa loob ng 3 buwan at hindi lalampas sa Desyembre 8″ ani MMC Chairman Abalos.

Samantala ang Metro Manila ay mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang September 15.

(Zy Cabiles | Laverdad Correspondent)

Tags: , ,