Paglulunsad ng “huli cam” online data base, ipinagpaliban ng MMDA

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 1425

mmda-logo
Mga technical issue ang naging dahilan kung bakit ipinagpaliban muna ng MMDA ang launching ng data base na naglalaman ng listahan ng pangalan ng mga motorista na nahuli sa pamamagitan ng ‘no contact apprehension’ policy.

Ang data base ay tatawaging “huli cam” data base, maaari itong ma-access gamit ang internet browser, kailangan lamang i- type ang plate number ng sasakyan at lalabas na ang violation na nagawa ng motorista maging ang petsa at oras ng paglabag.

Tatapusin na rin muna ng mmda ang pagkakabit ng isang daan pang cctv bilang karagdagan sa 250 na ginagamit na ngayon ng ahensya.

4900 na ang na isyu han ng MMDA ng mga notice of violation, lahat ito ay sa ‘no contact apprehension’ policy lamang.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, tugon ito ng MMDA sa kahilingan ng mga netizen na magbigay ng mabilisang paraan upang maberipika ng mga motorista kung kasama ba sila sa mga nahulicam.

Pitong araw ang ibinibigay sa mga motoristang nahulicam at nakatanggap ng notification sa MMDA upang kontestahin ang reklamo.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,