Bike lane sa NCR, Metro Cebu at Metro Davao, ilulunsad ngayong buwan

by Erika Endraca | July 13, 2021 (Tuesday) | 19398

METRO MANILA – Maglulunsad ngayon buwan ng 3 bike lane sa National Capital Region, Metro Cebu at Metro Davao upang makabahagi sa pagtaguyod ng aktibong transportasyon sa ating bansa.

Nasa 497 kilometers na sementado at physical separators at road signages ang natapos ng ahensya kasama ng Department of Public Workers and Highways sa nasabing lungsod.

Sa NCR nasa 313 kilometro na sementado at physical separators at road signages na umaabot sa P801,830,479.93ang natapos ng DOTr at DPWH.

Sa Metro Cebu ay nasa 129 kilometro na nag sementado at physical separators at road na nagkakahalaga ng 15 Milyon, at sa Metro Davao ay nasa 55 kilometro nag sementado at physical separators at road signages na nagkakahalagang P145,369,391.

Sa kabuuhan ang 3 proyektong ito ay umabot sa P1.09 Bilyon sa ilalim ng Bayanihan Bike Lane Networks Project.

Ayon kay Sec Tugate ang paglalagay ng sementado at physical separators at road signages at nagpapakita kung gaano ang nakatuon ang DOTr sa pagtataguyod ng aktibong transportasyon at sa tiyak na kaligtasan ng mga naglalakad

“Ito ay upang matupad ang kagustuhan ng publiko, at ng mga sumasakay, ang Department of Transportation ay nagpapatupad ng mga proyekto ito na nakatuon patungo sa hangarin,” ani Secretary Art Tugade.

“Nilayon naming magbigay sa mga commuter ng mas mabilis, at maayus na paraan ng mass transport; at upang buksan ang imprastraktura para sa aktibong transportasyon tulad ng paglalakad at pagbibisiklet”, dagdag pa nya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 1149 o ng Bayanihan to Recover as One Act, ang promosyon ng aktibong transportasyon at pinalakas ng pagdedeklara ng bisikleta bilang isang karagdagang paraan ng transportasyon at pagbibigay ng pondo upang suportahan ang pagbuo ng mga bike lane network.

Ang DOTr at ang Department of Public Works and Highways (DPWH), kasama ang Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG) ay pumirma kanina lamang sa Joint Administrative Order (JAO) 2020-001 na ilarawan ang mga tungkulin ng Local at national ns pamahalaan sa pagtataguyod ng Aktibong Transportasyon.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: , , ,