Paglilitis sa kasong plunder ni Atty. Gigi Reyes at Janet Napoles, itinakda na ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | December 2, 2015 (Wednesday) | 1250

SANDIGANBAYAN-FACADE
Itinakda na ng Sandiganbayan Third Division ang paglilitis sa kasong plunder ni Atty. Gigi Reyes at Janet Lim Napoles para sa kasong plunder kaugnay ng PDAF Scam.

Gagawin ang paglilitis tatlong beses kada linggo, tuwing Miyerkules hanggang Biyernes mula Jan.13 sa susunod na taon.

Hindi pa kasama sa trial na ito si Sen.Juan Ponce Enrile dahil nakabinbin pa sa Office of the Ombudsman ang kanyang bill of particulars.

Si Atty.Gigi Reyes ay kapwa akusado at ang dating chief of ni Sen.Enrile na umanoy nagsilbing middleman sa pagitan ni Napoles at ng senador sa mga transaksyon nito sa Pork Barrel Scam.

Tags: , ,