Paglilitis kay dating MGen. Jovito Palparan, tinapos na ng Malolos RTC

by Radyo La Verdad | February 16, 2018 (Friday) | 8693

Tinapos na ng Malolos Regional Trial Court ang paglilitis kay dating Major General Jovito Palparan Jr. sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Sa pagdinig kahapon, sumalang pa sa witness stand si Palparan at isa pang testigo ng depensa upang patunayan na wala siyang kinalaman sa pagdukot sa dalawang estudyante ng UP sa Hagonoy, Bulacan noong 2006.

Bukod kay Palparan, dawit din sa kaso sina dating Lieutenant Coronel Felipe Anotado at Master Sergeant Edgardo Osorio.

Hindi pa rin natatagpuang hanggang ngayon ang mga estudyante ng UP na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño pero ayon sa testigo ng prosecution, huling nakita ang mga ito sa kampo ng 7th Infantry Division na pinamumunuan noon ni Palparan.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor JP Navera, magsusumite na lamang ng kani-kanilang memoranda ang prosecution at ang kampo ni Palparan at pagkatapos nito ay maglalabas na ng hatol ang korte.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

Tags: , ,