December 25, 2012 nang masunog ang daang-daang bahay ng mga informal settler sa Barangay Saint Joseph sa San Juan City.
Subalit noong 2015 ay nakalipat naman sila sa 5 storey buildings na ito na pabahay ng National Housing Authority na ang tawag naman ngayon ay St. Joseph Ville.
Isa sa halos 2 libong residente na mga nakalipat na dito ay ang pamilya ni Aling Camelinda. Nasa isang libo lamang ang upa kada buwan ng mga nasa ground floor at mas mababa na sa mas matataas na palapag.
Ayon kay kapitana Nelly Duka, mas marami sa kaniyang kabarangay ay sa Bulacan lumipat. Nabago na aniya ang pagtingin ng sosyedad sa kanila mula sa pagiging squatter. Isa ngayon ang St. Joseph Ville sa mga barangay na drug free.
Ayon sa operations head ng NHA na si Engineer Victor Balba, mahigit sa 1 daang libong informal settlers ang target nilang mailipat na tinatayang matatapos sa taong 2019. Mahigit sa 84 na libo dito ay sa mga karatig lalawigan ang resettlement sites.
Ang bawat unit ay may average na halaga na 550 daang libong piso kung saan ang 150 libong piso ay subsidiya o sagot ng gobyerno. Ginagawan na rin nila ng paraan upang hindi ito maagaw ng iba.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )