Paglilipat kay Ozamiz Police Chief Jovie Espenido sa Iloilo City, kinansela ng PNP

by Radyo La Verdad | September 4, 2017 (Monday) | 2911

Hindi na matutuloy ang reassignment kay Ozamiz City Police Chief Jovie Espindo bilang officer-in-charge ng Iloilo City Police. Ito ang inihayag ni Western Visayas Regional Director Chief Superintendent Cesar Hawthorne Binag sa isang press conference sa iIloilo City noong Sabado. Ayon kay Binag, nagmula ang utos sa Camp Crame ngunit hindi nito binaggit kung ano ang dahilan ng kanselasyon.

Itinalaga naman ng PNP si Police Senior Superintendent Henry Biñas bilang officer-in-charge ng Iloilo City police. Habang mananatiling chief of police ng Ozamis City si Espenido.

Ayon naman sa isang pahayag na inilabas ng Malakanyang sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Secretary Ernesto Abella, ang desisyon ng pamunuan ng PNP ay naka-base sa kanilang mga polisiya at proseso sa reassignment, transfer at designation ng kanilang mga personnel. Hinikayat ni Abella ang lahat na suportahan at irespeto ang utos ng pamunuan ng pambansang polisya.

Matatandaang una na ring hiniling ni Espenido kay Pangulong Duterte na kung maari ay huwag muna siyang alisin sa Ozamiz City dahil hindi pa umano tapos ang kanyang tungkulin sa syudad.

 

(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,