Paglilinis sa ilang barangay sa Marawi City, sinimulan na

by Radyo La Verdad | October 20, 2017 (Friday) | 2881

Sinuyod ng mga tauhan ng iba’t-ibang barangay ang mga lansangan sa Marawi City kaninang umaga upang maglinis.

Ang clean-up drive na ito ay paghahanda sa pagpapauwi sa mga residenteng nakatira sa controlled area o yung mga barangay na hindi lubhang napinsala ng giyera.

Kung walang magiging problema posibleng bago matapos ang buwan ng Oktubre ay makakauwi na ang ilan sa mga evacuee.

Ayon sa kapitan ng barangay Dayawan, masaya ang kaniyang mga kabarangay na naideklara nang malaya mula sa mga terorista ang Marawi City.

Kapag papayagan ng makauwi ang mga bakwit, plano naman ng mga otoridad na magpatupad ng I.D. system upang masigurong walang sisingit na mga masasamang loob.

Pero hindi pa rin lahat ay makababalik sa kanilang tahanan.

Sa ngayon, inaayos na ng pamahalaan ang pondong gagamitin para sa rehabilitasyon sa Marawi City.

Nananawagan naman si Marawi City Councilor Farnahan Langco na magkaroon ng pagkakaisa upang huwag ng maulit ang katulad na krisis.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,