Paglilibot ng mga pulis sa Community Pantries, kasama sa trabaho ng mga tauhan ng PNP

by Erika Endraca | May 12, 2021 (Wednesday) | 12362

METRO MANILA – Ipinagtanggol ni Philippine National Police Chief PGen. Guillermo Eleazar ang ginagawang pag- iikot at pagtatanong ng mga pulis sa mga community pantry sa bansa.

Ayon kay Gen. Eleazar, hindi dapat lagyan ng hindi magagandang interpretasyon ang ginagawang ito ng mga pulis.

“Everybody should understand na ang trabaho ng pulis ay umikot, magtanong, kasama yun e, kaya lang syempre, nami mis enterpret na nangha harrass, at yun ang nakakalungkot, ang problema natin if they interpret everything na ganon na harrassment ay talagang talo tayo” ani PNP Chief, PGen. Guillermo Eleazar.

Patuloy na pinabibisita ng bagong PNP Chief sa mga pulis ang mga community pantry.

Ngunit, bilin niya sa mga ito, iwasan na ang maraming tanong sa mga organizer.

“Just the same pinagbilinan natin ang ating mga pulis na puntahan ng maayos, kausapin at i-assist na lamang sila” ani PNP Chief, PGen. Guillermo Eleazar.

Ang presensya ng mga pulis sa community pantries ay para sa proteksyon ng bawat isa at upang mapanatili ang pagsunod sa ipinatutupad na health protocols.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: ,