Paglikha ng trabaho para sa TESDA graduates, tinalakay sa isang forum sa Central Luzon

by Radyo La Verdad | June 24, 2016 (Friday) | 1003

JOSHUA_TESDA
Nagsagawa ang TESDA Central Luzon ng training forum upang talakayin ang kahalagahan ng Technical at Vocational Education sa pagsabak ng Pilipinas sa ASEAN Integration.

Layunin ng programa na pag-usapan ang mga paraan ng paglikha ng mas maraming trabaho ng TESDA graduates upang maging produktibo at competitive.

Ayon kay dating TESDA Director at ngayo’y Senador Joel Villanueva, kailangang maipagpatuloy ang mga programa ng ahensya na nakatutulong upang mabigyan ng trabaho ang maraming Pilipino.

Isinulong rin ni Sen.Villanueva ang pagkakaroon ng financing para sa employment program at pagsasagawa ng training at seminar para sa mga mahihirap na Tech-Voc students.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,