Paglalayag ng US Naval ship sa West Philippine Sea, suportado ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 1278

PNOY
Nagpahayag ng suporta si Pangulong Benigno Aquino the third sa paglalayag ng naval ship ng Estados Unidos sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, bahagi lamang ito ng freedom of navigation sa international waters.

“Freedom of navigation has been expounded and pro founded by all parties to the issues of the South China Sea/ West Philippine Sea, and everybody seems to be guaranteeing freedom of navigation, so i see no issue as to this US Naval ship traversing our international law”. Pahayag ni Pangulong Aquino

Hindi rin naniniwala si Pangulong Aquino na dahil sa gagawing ito ng Estados Unidos ay tataas ang tensyon sa rehiyon partikular na sa mga pinagtatalunang teritoryo lalo na sa lugar kung saan gumawa ng artificial island ang China.

Wala rin siyang nakikitang masamang epekto sa kalalabasan ng kasong isinampa sa arbitral tribunal dahil sa paghahayag ng suporta ng Pilipinas sa ginawang hakbang ng Amerika.

Binigyang diin rin ng pangulo ang kahalagahan ng “balance of power” sa rehiyon. ( Nel Maribojoc / UNTV News )

Tags: