Paglalayag ng grupo ng kabataan sa Scarborough Shoal, walang koordinasyon sa DFA

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 1601

dfa
Kinundina ng Chinese government ang umano’y “provocative action” ng Pilipinas sa pinag-aagawang West Philippine Sea

“You know as well, we’ve declared many times that the Scarborough Shoal is China’s territory, we urge the Philippine side to respect China’s sovereignty, and not to undertake provocative actions,” pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang

Reaksyon ito ng China matapos na magtungo ang isang grupo ng mga kabataan sa Scarborough Shoal at tangkaing itindig doon ang watawat ng Pilipinas.

Ngunit pinigilan ang mga ito ng Chinese Coast Guard.

Samantala, ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperon Assistant Secretary Charles Jose, walang koordinasyon sa kanila ang paglalayag ng mga kabataang ito sa Scarborough Shoal.

(UNTV RADIO)

Tags: ,