Iminungkahi ni Senate Presidente Pro-Tempore Ralph Recto ang paglalagay ng Presidential Action Center o PACE sa NAIA.
Bunsod ito ng muling pagsulpot ng kaso ng tanim bala sa paliparan.
Ayon kay Recto sa pamamagitan ng action center may malalapitan kaagad ang mga biktima ng tanim bala.
Sinabi pa ni Rector na may mandato ang PACE na maglagay ng opisina o detachment sa NAIA at iba pang international airports.
Nobyembre ng nakaraang taon ng imbestigahan ng senado ang laglag bala na ang karamihang nabibiktima ay ang mga OFW.
Sinabi naman ni Senador Ferdinand Marcos Jr. na dapat ng resolbahin ng airport authorities ang isyung ito, at kung hindi nila ito malutas ay kailangan magbigay daan sila para sa mga tao na kayang maresolba ang problema.
Nagtataka naman si Senate Majority Leader Alan Cayetano kung bakit sa kabila nito ay hindi pa rin matanggal sa puwesto si DOTC Secretary Jun Abaya.
Sinabi ni Cayetano na ito ay dahilang manhid ang gobyerno sa mga karaingan ng mga mamamayan.
Umaasa naman si Senador Cynthia Villar na ang susunod na administrasyon ay kayang masolusyunan ang laglag bala modus operandi.
Tiniyak naman ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ginagawa ang mga nararapat na hakbang ng gobyerno upang protektahan ang mga pasahero mula sa mga masasamang loob at nagsasamantala
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: ilang senador