Paglalagay ng watawat ng Pilipinas sa Philippine Rise, pinangunahan ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | May 16, 2018 (Wednesday) | 2361

Sa BRP Davao del Sur na nasa Casiguran, Aurora lumapag ang chopper na sinakyan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Dito pinangunahan ng pangulo ang send-off ceremony ng team ng mga siyentipikong Pilipino na magsasagawa ng marine research sa rehiyon, Kasabay ng paglalagay ng watawat sa pinakamababaw na bahagi ng Philippine Rise.

Muling tiniyak ng pangulo ang proteksyon ng pamalaaan sa Philippine Rise. Kaugnay nito, nilagdaan na rin ng pangulo ang proklamasyon na nagdedeklara sa Philippine Rise bilang marine protected area.

Napapaloob sa proklamasyon na ang 50 thousand hectares ng rehiyon ay istriktong ilalaan lamang para sa siyentipikong pag-aaral, habang kokontrolin ang pangingisda sa ilang bahagi nito.

Sumakay naman sa jetskie sina Special Assistant to the President Secretary Christopher Bong Go at presidential son na si Sebastian “Baste” Duterte na simbolo naman ng pagpunta ni Pangulong Duterte sa Philippine Rise.

Anim na buwan magsasagawa ng pag-aaral sa rehiyon ang mga marine scientist  mula sa iba’t-ibang unibersidad at non government organization.

Ang ikalawang flag hosting naman sa Philippine Rise ay kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagpapangalan sa Philippine Rise mula sa Benham Rise.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,