Paglalagay ng sea marshalls sa border ng Indonesia at Pilipinas, pinag-uusapan na

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 863
File Photo
File Photo

Kinumpirma ng Department of National Defense na nakikipagpulong na ang militar sa Indonesian authorities upang magtalaga ng sea marshalls sa Philippine Maritime Zones malapit sa Indonesian border.

Ito ang nakikitang solusyon ng mga otoridad sa serye ng pandurukot sa ilang Indonesian nationals sa loob ng Philippine Maritime Zone.

Sa ilalim ng 1975 agreements on border crossing and border patrol sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas, maaaring habulin ng Indonesian Forces ang sinumang gumagawa ng krimen kahit tumakbo ito sa Philippine territory.

(UNTV RADIO)

Tags: