Paglalagay ng police at DTI desk sa mga mall ngayong holiday season,iminungkahi ng isang senador

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 1712

MERYLL_MARCOS
Upang matiyak ang seguridad at karapatan ng mga mamimili,iminungkahi ni Senator Bongbong Marcos ang paglalagay ng police desks sa mga mall, night markets,supermarkets,at department stores upang pangalagaan ang mga mamimili.

Dapat din umanong maglagay ng complaint corners ang Department of Trade and Industry (DTI) upang mabigyan agad ng tulong ang mga consumer na magkakaproblema sa kanilang mga binili.

Dagdag pa ng senador, na bukod sa complaint desks, dapat din umanong magpakalat ng mga pulis na nakasibilyan na mag-iikot at lihim na magmamasid at pipigil agad sa sinumang magtatangkang gumawa ng krimen.

Sinabi pa nito na ang DTI ay dapat na magpadala ng kanilang representatives at magtalaga ng DTI corners kung saan maaaring puntahan ng mga mamimili upang magsampa ng reklamo hinggil sa presyo at kalidad ng mga produktong ibinebenta.

Iminungkahi rin ng senador na maglabas ang DTI ng Suggested Retail Price (SRP) sa mga pangunahing produktong binibili ngayong holiday season.

“We always hear of complaints of overpriced and substandard items. That’s why a DTI desk is necessary so that consumers can easily access government assistance,” pahayag ni Marcos.

Tags: , , , ,