Ipatutupad na sa susunod na buwan ng Department of Health o D-O-H ang batas na nagmamando sa mga tobacco company na maglagay ng graphic health warning sa mga pakete ng sigarilyo.
Hindi agad naipatupad ang nasabing batas matapos itong maipasa noong nakaraang taon dahil bumuo pa ng Implementing Rules and Regulations o I-R-R para dito.
Nakasaad sa batas na limampung porsyento ng espasyo sa mga pakete ng sigarilyo ang dapat nakalaan upang paglagyan ng mga larawan ng mga epekto o masamang ibinubunga ng paninigarilyo sa kalusugan ng taon.