Paglalagay ng GPS sa mga bus, ipinahihinto ng mga bus operators

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 1675

BUS
Hiniling ng Philippine Bus Operators Association of the Philippines sa Quezon City Regional Trial Court na ipatigil ang memorandum ng LTFRB na maglagay ng GPS sa mga bus.

Ayon sa PBOAP, masyadong magastos ang paglalagay ng GPS at mangangailangan pa ito ng internet connectivity.

Kapag nailagay ang mga GPS ay madali na mamomonitor ang bilis pati ang ruta mga bus.

Kung sakali namang matuloy ang mandatory na paglalagay ng GPS.

Hiniling naman ng ilang transport group na pansamantala munang suspindihin ang pagpapataw ng multa sa mga out of line na bus hanggat hindi pa natatapos ang rationalization ng mga ruta at maging ng prangkisa.

Tags: , ,